Mag-asawa utas, tserman grabe sa ambush
Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 8 Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, bandang alas -8:15 ng gabi nang tambangan ang mag-asawang sina Ailyn Arandia, negosyante at mister nitong si Chiquito Arandia, ingat-yaman ng Brgy. Gecboan, sa Brgy. Poblacion III, Silvino Lobos ng lalawigan.
FILE

Mag-asawa utas, tserman grabe sa ambush

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2019 - 12:00am

Patay ang isang mag-asawa habang malub-hang nasugatan ang isang brgy. chairman sa magkahiwalay na insidente ng pananambang sa Northern Samar kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 8 Director Police Brig. Gen. Dionardo Carlos, bandang alas -8:15 ng gabi nang tambangan ang mag-asawang sina Ailyn Arandia, negosyante at mister nitong si Chiquito Arandia, ingat-yaman ng Brgy. Gecboan, sa Brgy. Poblacion III, Silvino Lobos ng lalawigan.

 Si Ailyn ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan habang idineklara namang dead-on-arrival sa Northern Samar Provincial Hospital sa Catarman ang mister nito.

Base sa imbestigasyon, bigla na lamang sumulpot sa lugar ang mga armadong salarin na agad nirat­rat ang mga biktima saka mabilis na tumakas. 

Sa isa pang insidente, dakong alas-8:50 ng gabi nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki si Joseph Pahimnayan, 49, chairman sa Brgy. Gebunawan, Lope de Vega ng lalawi­gan. Siya ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo kung saan nasa kritikal itong kon­disyon sa Catarman Doctors Hospital.

AMBUSH CHAIRMAN MAG ASAWA PRO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with