P5.3 milyong cocaine narekober sa Basilan

MANILA, Philippines – Umaabot sa P5.3 milyong halaga ng floating cocaine ang narekober ng pinagsanib na elemento ng pulisya at militar matapos na malambat ng isang mangi­ngisda sa karagatan ng Mohamad Ajul, Ba­silan kamakalawa.

 Batay sa report ni Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao (BARMM) P/Brig. Gen. Marni Marcos, dakong alas-8 ng umaga nang madiskubre ng isang mangingisda ang isang brick ng cocaine habang palutang-lutang sa dagat.

Agad na nagresponde ang mga operatiba ng 140th Regional Mobile Force Company,19th Special Forces Company at 4th Special Forces Battalion sa lugar at laking gulat nila nang marekober ang isang rectangular brick ng cocaine na nakabalot ng cellophane tape. Ipinasa na ng pulisya at militar ang cocaine sa kustodya ng PDEA.

 

Show comments