^

Probinsiya

Rider tigok, angkas grabe sa road mishap

Cesar Ramirez - Pilipino Star Ngayon

ROSALES, Pangasinan, Philippines — Isang 18-anyos na binata ang nasawi samantalang malubhang nasugatan ang angkas nito sa aksidente sa access road ng TPLEX sa Brgy. Cabalaoangan Sur, dito kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang nasawing si Roel Mangonon habang nilalapatan ng lunas ang angkas niyang si Jeric Tolentino, 18-anyos; kapwa residente ng Brgy. Calanutan Sur sa bayang ito.

Sa ulat, binabagtas ng motorsiklo ng mga biktima ang kahabaan ng access road nang mawalan ng kontrol sa manibela si Mangonon sanhi upang rumampa sa shoulder ng West bound lane. Tumilapon si Mangonon sa palayan na puno ng tubig samantalang si Tolentino ay humagis sa kalsada.

Mabilis na isinugod ang dalawa sa pagamutan subalit idineklarang dead-on-arrival si Mangonon habang si Tolentino ay inilipat sa ibang pagamutan.

Kapwa umano walang suot na helmet ang dalawa nang maganap ang aksidente.

vuukle comment

ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with