Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga nasawi na sina Josefina Alega, 57-anyos, guro ng Brgy. Potol at Jermy Lado, 69-an-yos, driver, may asawa ng Brgy. San Isidro Zone 1.
File
Pickup salpok sa trike: Guro, driver dedo
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2019 - 12:00am

TAYABAS City, Philippines — Isang tricycle driver at pasahero niyang guro ang patay habang apat na iba pa ang sugatan makaraan silang banggain ng isang pickup truck na nawalan ng preno sa provincial road ng Brgy. Potol sa lungsod kamakalawa ng hapon.

Kapwa nagtamo ng grabeng pinsala sa ulo at katawan ang mga nasawi na sina Josefina Alega, 57-anyos, guro ng Brgy. Potol at Jermy Lado, 69-an-yos, driver, may asawa ng Brgy. San Isidro Zone 1.

Sa imbestigasyon, alas-4:30 ng hapon habang patungo sa city proper ang Yamaha tricycle ni Lado sakay si Alega at tatlo pang guro na sina Cassandra Tabi, Shernai Pabruada, at Ma. Lina Ayangco na kapwa nasugatan sa insidente, nang banggain sila ng Manila bound Mazda pickup (WAB-211) na minamaneho ng lolong si Samson Chang, 63, ng Biñan, Laguna.

Sa lakas ng pagkakabangga, tumilapon ang tricycle ng ilang metro at sinalpok pa ng pickup ang motorsiklo ni Felix Salvan na nasugatan din sa insidente.

Nasa kustodya na ng Tayabas City Police ang driver ng pickup na sinampahan ng kaukulang kaso.  

ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with