^

Probinsiya

3 magkakaanak todas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang mag-ama at isa nilang kaanak makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem na pinaniniwalaang mula sa kalaban nilang angkan sa national highway ng Lambayong, Sultan Kudarat nitong Martes ng hapon.

 Kinilala ang mga nasawi na sina Mike Ibad, 57-anyos; anak na si Tonton Ibad at kamag-anak nilang si Nhor Talib, 34, pawang mga residente ng Brgy. Namnama, Limbayong at nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

 Sinabi ni P/Lt. Col. Lino Capellan, spokesman ng Police Regional Office (PRO) 12, alas-4 ng hapon habang lulan ang mga biktima ng tricycle at binabagtas ang national highway ng Brgy. Maligaya nang biglang sumulpot ang dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo saka sila pinagbabaril.

 Isa sa mga biktima ang nagtangka pang tumakas pero hinabol siya ng mga suspek at muling pinagbabaril hanggang sa tuluyang bumulagta.

 Tumakas ang mga suspek habang narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaan ng pulisya na rido o clan war ang motibo ng krimen. Rhoderick Beñez

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with