Kinilala ni P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng pulisya rito ang suspek na si Eman Lambuhon, 24-anyos, construction worker at naninirahan sa Blk. 9, Lot 6, Yein St., Brgy. Kaypian, nasabing lungsod.
File
Dumukot at pumatay sa 5-anyos natimbog
Joy Cantos, Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - September 18, 2019 - 12:00am

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Naaresto na ng mga awtoridad ang suspek sa pagdukot, pagpatay at tangkang panghahalay sa 5-taong gulang na kindergarten student kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sto. Cristo ng nasabing siyudad.

Kinilala ni P/Lt.Col. Orlando Castil Jr., hepe ng pulisya rito ang suspek na si Eman Lambuhon, 24-anyos, construction worker at naninirahan sa Blk. 9, Lot 6, Yein St., Brgy. Kaypian, nasabing lungsod.

Nauna rito, nakatanggap ng report ang pulisya na makikipagkita ang suspek sa isa niyang kaibigan sa nasabing barangay dakong alas-11:00 ng gabi.

Dahil dito, agad na tinungo ng mga pulis ang lugar at alas-12:20 ng madaling araw nang masukol ang nasorpresang suspek.

Si Lambuhon ang itinuturong dumukot at pumatay sa batang kapitbahay na si Princess Angela Langomez ng Blk. 10, Lot 11, Euro St., Brgy. Kaypian noong Linggo ng alas-3:30 ng madaling araw. Lumalabas na bangag sa droga at lasing ang suspek nang isagawa ang krimen.

Ginising lamang ng mga kapitbahay ang ina ng biktima at sinabing nakita nila ang suspek na tangay ang bata at dinala sa masukal na lugar, ilang metro lamang ang layo sa kanilang bahay. Hahalayin umano sana ng suspek ang biktima subalit nataranta at natakot ang una dahil natunugan na may paparating na mga tao kung kaya pinalo niya ng bato ang ulo ng bata.

Nahaharap ngayon sa kasong murder ang suspek.

JAIL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with