^

Probinsiya

Kawani ng DPWH nilikida

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang emple­yado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) nang barilin ng ‘di pa nakikilalang suspek sa Virgo Subdivision, Brgy. Rosary Heights 9, Cotabato City noong Linggo ng gabi. Sa report ng City Police, nakilala ang biktima na si Michael Macion Laranjo, 45-anyos, may asawa, residente sa nasabing lugar.

Sa paunang imbestigasyon, pauwi na sana si Laranjo pasado alas-9:00 ng gabi nang lapitan ng nag-iisang suspek at biglang binaril ng cal. 45 pistol sa ulo.

Mabilis namang tumakas ang salarin sakay sa isang motorsiklo matapos isagawa ang krimen. Inaalam pa ng mga otoridad ang posibleng motibo sa pagpatay at kung sino ang nasa likod nito.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with