Preso nag-suicide sa selda

MANILA, Philippines — Isang 52-anyos na preso ang umano’y nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanyang selda kamakalawa sa Calapan City, Oriental Mindoro.

Kinilala ang nasawi na si Fernando Bahia Rivera, tricycle driver at residente ng Brgy. Lazareto ng nasabing lungsod.

Si Rivera ay may kasong sexual assault na may kaugnayan sa R.A. 7610 o child abuse.

Sa ulat ng Calapan Police, alas-6:50 ng umaga nang makatanggap sila ng tawag buhat kay Pat. Lean Sumaging­sing ng CIDG-4B at ipagbigay-alam ang nasabing insidente.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, sintas ng sapatos ang umano’y ginamit ni Rivera sa kanyang pagbibigti.

Sa kabila nito, patuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad kung may “foul play” sa insidente.

 

Show comments