8 ‘tulak’ timbog sa buy-bust

ANGELES CITY, Philippines — Walong kalalakihan na hinihinalang sangkot sa pagbebenta at pag-iingat ng ilegal na droga ang naaresto sa magkakahiwalay na buy-bust operation ng Angeles City Police at Drug Enforcement Unit kamakalawa sa lungsod. Sa ulat sa tanggapan ni City Police Director P/Col. Joyce Patrick Sangalang, kinilala ang mga suspek na sina Ginger Tolentino, 34, ng Brgy. Saguin San Fernando City; Sahroden Betudan, 19, ng Brgy. Pandan; Rodolfo Garcia, 53, Brgy. Pampang; Michael David, 39; ng Brgy. Sta Trinidad; Romeo Lopez, 55, ng Brgy. Cutcut; Ricardo Flores, 41; ng Brgy. Sta. Trinidad; Arvin Jay Franco, 29, Joselito Calma, 41, ng Brgy. Pulung Cacutud, pawang sa Angeles City. Nasamsam sa mga suspek ang 30 plastic sachet ng hinihinalang shabu at marked money na ginamit sa operasyon. Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Show comments