15-anyos estudyante nilapa ng buwaya

Kinilala ni P/Lt. Col. Socrates Faltado, spokes­man ng Mimaropa Police ang biktima na si Romilo Sappayani Miranda, Grade 8 student ng Indalawan National High School at residente ng Brgy. Rabor, Balabac ng lalawigan.
File

MANILA, Philippines — Nauwi sa gabi ng lagim ang diving at pang­huhuli ng isda ng isang 15-anyos na estud­yanteng lalaki matapos siyang atakihin at sag­­pangin ng isang mabangis na buwaya sa karagatang sakop ng Balabac, Palawan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Socrates Faltado, spokes­man ng Mimaropa Police ang biktima na si Romilo Sappayani Miranda, Grade 8 student ng Indalawan National High School at residente ng Brgy. Rabor, Balabac ng lalawigan.

Sa ulat, bandang alas-10 ng gabi nang ma­ganap ang insidente nang magtungo ang biktima, tiyuhin nito at dalawang pinsan sa nasabing lugar upang mag-diving at manghuli ng isda.

Ayon kay Ismael Sarmiento, matapos silang mag-diving ay napansin niyang palutang-lutang na lamang sa tubig dagat ang flashlight na ta­ngan ng biktima na gamit nito sa diving at pang­huhuli ng isda. 

Kasunod nito, isang malakas na kalabsaw ng tubig at biglang lumutang ang buwaya habang sakmal sa pangil nito ang batok ng biktima. Sumisid ang buwaya tangay ang biktima at ginugutay-gutay sa kanyang pangil ang katawan nito sa malalim na bahagi ng karagatan.

Narekober naman ang bangkay ng biktima makaraan ang isinagawang search and retrieval operation ng mga otoridad.

Show comments