P50K reward vs suspek sa rape-slay ng 16-anyos

ATIMONAN, Quezon, Philippines — Nag-aalok ng P50,000 reward ang pamahalaang lokal ng bayang ito sa sinumang makapagtuturo sa isang amain na pangu­nahing suspek sa panggagahasa at pagpatay sa kanyang anak-anakan na 16-anyos at malubhang pagkakasugat ng ina nito. 

Sinabi ng pulisya na layu­nin ni Mayor Jose Mendoza na agarang malutas ang kaso ng karumal-dumal na pagpatay sa biktimang si Regine Retis noong Agosto 29, 2019 na natagpuang hubo’t hubad sa kanilang tahanan sa Brgy. Caridad. Pangunahing suspek sa krimen ay ang amain nito na si Dario Salumeri na siya ring sumaksak sa kinakasama nitong si Susan na ina ng dalagita na iniwang nakabaon sa batok ang patalim.

Nasa maayos nang kondisyon sa Quezon Medical Center sa Lucena City ang ginang makaraang maalis ang itak sa leeg nito nang sumailalim sa maselang operasyon.

Show comments