_ngayon
^

Karnaper pumalag, utas sa shootout

Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - September 7, 2019 - 12:00am

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang hinihinalang carnapper na isinasangkot din sa droga ang nasawi matapos umanong manlaban sa mga operatiba ng pulisya sa Cauayan City sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang suspek na si Noel Guzman, 27, ng Ugac Sur, Tuguegarao City, Cagayan.

Sa ulat, alas-12:30 ng madaling araw nang ta­ngayin umano ng suspek na si Guzman ang kulay pulang motorsiklo na Yamaha Sniper 150 na pag-aari ni Armand Madriaga, 42, ng Research Minante 1, Cauayan City matapos niyang tutukan ng baril.

Dahil dito, agad na humi­ngi ng tulong si Madriga sa Cauayan Police na agad namang nagsagawa ng follow-up operation. Namataan ang suspek sa Brgy. Nagrumbuan habang tinatanggal umano nito ang plaka ng tinangay na motorsiklo.

Nang sitahin ng mga operatiba kaugnay sa dokumento ng motorsiklo, agad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis. Gumanti ng putok ang mga pulis sanhi upang bumulagta ang suspek matapos tamaan ng bala sa ulo.

Nabawi sa suspek ang tinangay na motorsiklo at nakuha rin umano sa kanyang bulsa ang dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu na nakabalot sa isang papel at isang cal. 45 na baril.

CARNAPPING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with