Pamangkin ginawang sex slave Tserman inaresto sa rape
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - September 3, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Bagsak kalaboso ang isang barangay chairman na umano’y ginawang sex slave ang pamangking nene matapos isilbi ng mga awtoridad ang kanyang warrant of arrest sa kanyang teritoryo sa Barangay Sto. Tomas, Claveria, Cagayan kamakalawa.

Sinabi ni P/Staff Sergeant Christine Marie Asuncion na si Chairman Roel Aguirre, 53, ay ini­rek­lamo ng 15-anyos na dalagitang kadugo ng kanyang misis.

Ayon sa biktima, sini­mulan siyang halayin ng ti-yuhin sa edad na walo sa pamamagitan ng panghihipo hanggang sa ganap na nakuha ang kanyang pagkababae nang sumapit ang edad na 11 noong 2014.

Nabatid na malimit pinipilit makipagtalik ng tserman sa bata sa tuwing umaalis umano ang misis nito upang tumulong na mag-araro sa bukid.

Ayon kay Asuncion, naglakas-loob ang bata na isiwalat ang kabuktutan ng tiyuhin sa kanilang gui-dance counselor at principal ng kanilang paaralan noong Agosto 2018.

Agad dinampot ng pulisya si Aguirre sa kanyang bahay matapos ipalabas ni RTC Exe­cu­­tive Judge Gemma Bucayu-Madrid ang kanyang warrant of arrest na walang kaukulang piyan­sa.

SEX SLAVE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with