Bading ‘di nagbayad sa sex, inutas
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - August 26, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Dead-on-arrival sa ospital ang isang 32-anyos na bading matapos pagsasaksakin ng lalaking kanyang kinasiping makaraang mabigong magbayad sa sex service sa Purok-1, Brgy. Morera, Guinobatan, ng lalawigang ito kamakalawa ng madaling araw.

Sinubukan pang isugod ng mga residente sa Josefina Belmonte Duran Memorial District Hospital ang biktimang si Donald Ian Orencillo Octavo, residente ng Sitio Kangao, Brgy. Quitago pero ‘di na umabot nang buhay.

Kusa namang sumuko sa Guinobatan Police ang suspek na si Jiboy Lomangayon Llagas, 21-anyos, ng Purok-2, Brgy. San Roque, bayan ng Jovellar matapos ang ginawang krimen.

Sa pahayag mismo ng suspek sa mga pulis, dakong alas-3 ng madaling araw ay nagkasundo sila ng biktimang magsiping kapalit ng hindi binanggit na kabayaran. Gayunman, nang matapos mag-sex ay hindi umano siya binayaran sa napagkasunduang halaga dahilan para magdilim ang kanyang paningin kaya sa matinding galit nito ay inundayan ng sunud-sunod sa saksak sa katawan ang bading.

Ilang oras matapos ang krimen, sumuko ang suspek matapos makonsensya dala ang patalim na ginamit nito sa pananaksak.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with