P4 milyong marijuana sinunog sa Cordillera
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan - Sinilaban ng mga awtoridad ang may halos P4 milyong halaga ng tanim na marijuana na binunot sa dalawang plantasyon sa Brgy. Ngibat, Tinglayan, Kalinga kamakalawa.

Sinabi ni Cordillera Police Director Brig. General Israel Ephraim Dickson na ang 19,800 fully grown marijuana plants ay nadiskubre sa pinagsamang 1,800 sq.m na lawak na lupain at nagkakahalaga ng P3,960,000, base sa pagtaya ng Dangerous Drugs Board. Naunang sinira ng pulisya ng Benguet ang P120,000 halaga ng katulad na pananim sa Brgy. Palina, Kibungan.

Sa Bontoc, Mountain Province, nasa P1.2 milyong halaga naman ng 10 marijuana bricks ang nasamsam sa turistang si Mark Daniel Isidro ng Tondo. Galing sa Kalinga si Isidro nang harangin ng pulisya ang sinasakyan niyang jeepney sa Brgy. Tocucan matapos siyang isuplong ng isang impormante.

MARIJUANA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with