Gunrunner bulagta sa shootout
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bulagta ang isang sinasa­bing gunrunner matapos man-laban sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng San Fernando City Police, sa lalawigan ng Pampanga, nitong Miyer­kules ng gabi.

Ang napatay na suspek ay kinilala lang sa alyas ng “Bay”, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:00 ng gabi nang ikasa ang operasyon laban sa suspek sa Brgy. San Nicolas.

Habang nakikipagtran-saksyon ang suspek sa pulis na buyer ng kanyang kalibre .45 ay nakatunog umano ito kung kaya’t bumunot ng baril at nagpaputok.

Nagmintis ang unang putok ng suspek at dito ay hindi na nag-aksaya ng pagkakataon ang mga pulis na agad nakipagpalitan ng putok sa target.

Sa palitan ng putok ay    agad na duguang tumimbuwang ang suspek na binawian ng buhay noon din sa insidente.

Nakumpiska naman sa operasyon ang isang kalibre. 38 rebolber na may dalawang bala, isang cal. 45 pistola, limang basyo ng bala ng cal. 9MM, limang sachet ng shabu, drug paraphernalias, Nokia phone, P500.00 cash at isang kuwintas. Joy Cantos

 

 

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with