^

Probinsiya

Egyptian trader nilikida ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines — Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang riding-in-tandem ang isang negos­yanteng Egyptian national na pauwi sa kanyang tirahan sa Brgy. Zone 1, Digos City sa Davao del Sur kamakalawa.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si Haitian Ramadan Hamed Abdelrady, 31, may-ari ng isang videoke bar sa lugar at residente ng Brgy. Zone 1, matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Earl Cruz Guarino, habang pauwi ng mada­ling-araw sa kanilang bahay ang biktima kasama ang live-in partner sakay ng motorsiklo nang buntutan sila ng dalawang lalaki lulan din ng motorsiklo at pagsapit sa Jumao-as ay agad silang pinagbabaril.

Nakatakbo ang babae at nakaligtas habang tinangka ring tumakbo ni Abdelrady pero hinabol ng isa sa mga suspek at nang maabutan ay doon na siya pinagbabaril ng tatlong beses.

Isa sa mga tinitingnang anggulo sa krimen ay ang pagsasampa ni Abdelrady ng kaso laban sa isang helper nito sa videoke bar dahil sa nawawalang P60,000 may dalawang linggo na ang nakalilipas.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with