Trike inararo ng bus: Driver patay
Tony Sandoval (Pilipino Star Ngayon) - August 21, 2019 - 12:00am

SAN NARCISO, Quezon, Philippines – Patay ang isang driver makaraang araruhin ang kanyang minamanehong tricycle ng pampasaherong bus sa Brgy. Buenavista, kamakalawa ng madaling araw.

Hindi na umabot pang buhay sa ospital dahil sa grabeng pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Donald Mc Dowell, 50, may asawa ng Brgy. Rizal samantalang ginagamot sa Bondoc Peninsula District Hospital ang pasahero niyang si Dominic Lumpiado.

Sa ulat, pansamantalang inihinto ni Mc Dowell ang ipinapasadang tricycle sa tabi ng kalye nang banggain ito ng San Andres bound Barney Bus (UYD-271) na minamaneho ni Randy Miguel ng Macalelon, Quezon dakong alas-3:00 ng madaling araw.

Sa lakas ng banggaan, tumilapon ang tricycle kasama ang mga sakay na biktima.

Nakapiit na sa municipal jail ang tsuper ng bus.

 

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with