^

Probinsiya

Dance showdown nauwi sa rambol: 1 todas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

RIZAL, Philippines — Nauwi sa rambol ang showdown sa sayawan ng mga kabataan na nagresulta sa pagkamatay ng isa sa mga participant sa dance floor ng isang resto bar sa bayan ng Tanay, dito sa lalawigan, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay nakilalang si Eris San Juan, nasa hustong gulang at nakatira sa Brgy. Sampaloc, Tanay, Rizal. Siya ay nagtamo ng mara­ming tama ng saksak ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Batay sa imbestigas­yon, ang krimen ay na­ga­nap sa Barendilla Resto Bar, sa Barangay Sampaloc, Tanay dakong alas-2:30 ng madaling araw. Habang masayang sumasayaw ang grupo ng biktima nang sumali at makipag-showdown ang kabilang grupo ng mga lalaki.

Pero habang nagaganap ang showdown, nagkatulakan at nag­rambulan ang magka­bilang panig at nang huminto na ang tugtugan ay nakita na lamang na duguang bumagsak ang biktima dahil sa tama ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

vuukle comment

RAMBOL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with