3 ‘tulak’ utas sa encounter
Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - August 19, 2019 - 12:00am

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang napatay ng pulisya habang anim pa ang natimbog sa magkakahiwalay na buy-bust operation kamakalawa  dito sa lalawigan.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling araw sa bayan ng Norzagaray nang mapatay si Harold Sunpongco sa buy-bust sa Brgy. Poblacion. Napatay naman si Alfie Garcia, 38-anyos ng Brgy. Caingin, San Rafael dakong alas-11:30 ng gabi, habang sa Meycauayan ay tumimbuwang si Julius Ace Lavarro, 35, ng Brgy. Bambang, Bulakan dakong alas-11:45 ng gabi.

Ang mga napatay na tulak ay pawang mga nanlaban umano sa mga otoridad. Narekober sa mga suspek ang tatlong cal .38 revolver, 20 plastic sachet ng shabu, 18 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, mga drug paraphernalia at buy-bust money.

Samantala, anim na iba pang umano’y tulak na nakilalang sina Aridel del Rosario, 43-anyos; Marvie Labong, 19; Joan Ralo, 27; Jennifer Francisco, 26; Jack Contante, 28 at Rafael Guerrero, 36, ang naaresto sa Meycauayan at Bocaue.Sila ay pawang kabilang sa unified drug watchlist ng PDEA. Narekober sa kanila ang 18 plastic sachet ng shabu, drug paraphernalia at buy-bust money.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with