Mister pinasok, niratrat

RIZAL, Philippines — Patay ang isang mister matapos na pasukin at pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang tahanan sa Antipolo City kamakalawa ng gabi. Dead-on-the-spot ang biktimang si Edgar Manuel, may asawa dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan. Sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:30 ng gabi kasalukuyan nang nagpapahinga ang biktima sa Sitio Inaldan, Barangay Bagong Nayon 1, nang bigla na lang puwersahang sirain ng mga salarin ang pinto ng bahay nito at kaagad siyang pinagbabaril. Nang matiyak na napuruhan ang target ay mabilis na tumakas ang mga suspek, na tinutugis na ng mga awtoridad. 

Show comments