‘Shabu palit puri’

Dalagita, 1 pa arestado

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang isang 15-anyos na dalagita ng Rosario Police kasama ang isa pang kasabwat na lalaki na nagsu-supply sa kanya ng shabu kapalit ng “sex” sa buy-bust ope­ration kahapon ng madaling araw sa Brgy. Sapa 1, nasa­bing bayan.

Itinago sa pangalang Angel ang dalagita habang kinilala ng pulisya ang kasama nito na si Allan Cariño, 37-anyos, ng Brgy. Pasong Camachile 1, Gen. Trias City. Ayon  kay  P/SSgt. Ellezer Tagalog, alas-12:30 ng madaling araw, isang pulis ang nagsilbing poseur buyer at nang magpositibo ang abutan, dito na dinak­ma sina Angel at Allan.

Sinabi ni P/Major Dhefry Punzalan, hepe ng pulisya, ang dalagitang suspek na nasa “newly Identified drug watchlist” ay  nagpapagamit umano kay Cariño kapalit ng shabu para panggamit at inuutusan din siyang magbenta ng droga.

Nakuha sa dalawang suspek ang may 8 plastic sachet ng shabu, ilang pira­so ng strip aluminum foils at tooter na pawang may mga bakas pang pinaggamitan ng shabu.

Show comments