10-anyos nilamon ng ilog
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - July 28, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Patay na nang maihaon ng kanyang mga kamag-anak at mga pulis ang isang 10-anyos na batang lalaki matapos tangayin ng agos at nalunod sa Cabilogan River sa Brgy. Balangibang sa bayan ng Polangui, lalawigang ito kamakalawa ng tanghali.

Halos umabot ng anim na oras bago natagpuan ang bangkay ng biktimang si John Rey Broncate, Grade 4 pupil at residente ng nasabing barangay. Sa ulat, dakong alas-11:45 ng tanghali kasama ng biktima ang kanyang kalaro na si Meynard, 11-anyos, nang magpunta ang dalawa sa ilog para maligo. Gayunman, sinubukang mag-dive ng biktima sa malalim na bahagi kaya tinangay ito nang malakas na agos ng tubig at hindi na muling lumutang.

Sa takot sa nangyari, hapon na nang naisumbong ni Meynard ang pagkalunod ng kaibigan nang dumating sa kanilang bahay ang nanay nito na agad tumungo sa himpilan ng pulisya at ipinagbigay-alam ang insidente. Dakong alas-5:30 na ng hapon nang matagpuan ang katawan ng biktima na palutang lutang sa ilog.

CRIME DROWNING
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with