DAR umayuda sa mga magsasaka

PAMPANGA  , Philippines  —  Muling nagkaroon ng dayalogo ang mga magsasaka upang ipaabot ang kanilang hinaing kay Agrarian Reform Secretary John Rualo Castriciones na ginanap sa Clark Freeport noong Huwebes. Ayon kay Felino Cunanan, miyembro ng Brgy. Tinang Farmers sa Conception Tarlac, nagpapasalamat sila na magkakaroon na ng linaw ang kanilang 25 taong inaasam na Certificate of Land Ownership Award (CLOA) na maibigay na ang titulo sa 200 ektarya ng lupa para sa 236 na magsasaka na benepisyaryo ng programa.

Ngunit pangamba nito naway walang mabago sa mga benepisyaryo dahil magsasagawa ng panibagong evaluation at validation sa mga ito, dahil ang iba ay nakapagbenta na ng rights ng lupa upang magamit na puhunan sa pagsasaka. Sinabi naman ni Pyra Lucas, ang tagapagsalita ng mga magsasaka na mayroong inilaang pondo na P1.6 miyon para magamit sa pagpapa-resurvey at pagpapatitulo ng mga lupa upang maipagkaloob na sa mga ito na hindi na sila gagastos.

Nagbigay ng ultimatum ang si Sec. Castriciones sa regional head ng DAR Region-3 na tapusin sa darating na linggo ang lahat ng hinaing na inilatag sa kanya ng mga magsasaka ng Bamban, Tarlac  at Mabalacat, Pampanga.

Show comments