SK chairman itinumba

Kinilala ang biktima na si SK chairman Jane Nunez Moneda, 25-taong gulang, at residente sa nasabing lugar na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos na bistayin ng bala ng apat na hindi pa kilalang salarin sa Purok 2, Brgy. Ibaugan, Daraga, Albay kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si SK chairman Jane Nunez Moneda, 25-taong gulang, at residente sa nasabing lugar na nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO)-5 Director Brig. Gen. Arnel Escobal, alas-3 ng hapon habang nasa harap ng kanilang bahay ang biktima nang bigla na lamang sumulpot ang apat na lalaki. Nakipagtalo pa siya sa mga salarin at kasunod nito ay agad siyang pinagbabaril. Duguang napalugmok sa lupa ang biktima at muli siyang pinaputukan ng mga salarin. (Jorge Hallare)

Show comments