^

Probinsiya

Parak binundol ng rider na tumakas sa checkpoint

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Parak binundol ng rider  na tumakas sa checkpoint
Nagkabali-bali ang buto at nagtamo ng pasa sa katawan si P/Master Sergeant Napoleon Tabbu ng City Police Station dahil sa insidente.

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Malub­hang nasugatan ang isang pulis matapos tum­bukin ng tumatakas na rider na kanilang sisitahin sana sa isang checkpoint sa Enrile Boulevard, Brgy. Carig Sur ng lungsod na ito kamakalawa.

Nagkabali-bali ang buto at nagtamo ng pasa sa katawan si P/Master Sergeant Napoleon Tabbu ng City Police Station dahil sa insidente.

Sa report kay City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda, sa halip na tumabi ay pinaharurot ni Ryan Danguilan, 21, ang mi­namanehong motorsiklo nito upang hindi ito masita sa kawalan ng suot na helmet.

Nabatid na tumila­pon ng ilang metro si Tabbu nang tumbukin ni Danguilan matapos siyang tangkaing harangin ng una.

Isinugod sa Cagayan Valley Medical Center ang sugatang pulis habang nasukol ng mga kabaro si Danguilan na nadiskubreng walang mga driver’s license at rehistro ang dalang motorsiklo.

vuukle comment

CHECKPOINT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with