Trainee electrician tusta sa kuryente

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Natusta ang isang trainee na electrician matapos makuryente sa kable ng Cagayan Electric Cooperative habang nagtatayo ng poste nito sa Brgy. Centro, Solana, Cagayan kamakalawa.

Kinilala ang nasawi na si Jovanie Dayag, 20, na kapapasok pa lamang sa trabaho bilang trainee.

Lumalabas na dinaluyan ng malakas na boltahe si Dayag na noon ay nakadikit sa boom truck na naglalagay ng poste nang makasagi siya ng high voltage wire na nakalawit sa itaas. Sinikap isugod ng kanyang mga kasamahan sa pribadong ospital sa lungsod na ito ang biktima pero idineklarang patay.

Show comments