^

Probinsiya

Misis na tinangay ng alon, nasagip sa Babuyan Channel

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan  , Philippines  —  Himalang nakaligtas ang 42-anyos na misis na napaulat na casualty sa nagdaang pananalasa ni bagyong “Falcon” noong Huwebes matapos matagpuang buhay habang lulutang-lutang sa Babuyan Channel noong Biyernes.

Sa report na ipina­labas ni Major Sharon Malillin, tagapagsalita ng Cagayan Police Office, dakong alas-10:00 ng umaga naispatan at sinagip ng mga mangi­ngisda si Judith Berbano na nakakapit sa kahoy na kanilang unang dinampot upang gawing panggatong ng mister na si James.

Matatandaan na tina­ngay at sinira ng duma­dagundong na alon ng Ca­gayan River ang bangka ng mag-asawa habang namumulot ng panggatong.

Napadpad subalit naghiwalay ang mag-asawa sa karagatan na patuloy inilayo ng malalakas na alon hanggang sa unang nasagip ng mga mangingisda si James habang patuloy na nawawala si Judith.

Kaagad na niyakap at hinagkan ni James si Judith matapos ang da­­lawa nitong gabing pagtangis at pangungulila sa misis nang muli silang magkita sa Abulug Rural Health Center.

vuukle comment

FALCON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with