Kalansay ng amasona nahukay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - July 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Matapos ang mahigit isang taon, bungo at kalansay na nang mahukay ng tropa ng militar kamakalawa ang isang amasona na biktima ng pamamaslang ng mga kapwa rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bukidnon.

 Sinabi ni Major Frankjo Boral, civil military operations officer (CMOO) ng 1st Special Forces Batta­lion, bandang alas-12:30 ng hapon nang matunton ang pinaglibingan sa biktimang si Merlyn Hinganon Panta alyas “Ka Genevive”, isang medic ng Guerilla Front (GF) 68 ng Northern Central Mindanao Regional Committee ng NPA. 

Ang kalansay at bungo ng biktima ay nahukay sa Sitio San Martin, Brgy. Adtu­yon, Pangantucan, Bukidnon.

Ayon kay Boral ang pi­nag­libingan kay Ka Ge­nevive ay ikinanta ng isang alyas “Bandido” na miyembro rin ng NPA rebels na boluntaryong nagbalik-loob sa tropa ng pamahalaan.

Ang biktima ay brutal umanong pinaslang noong Hunyo 2018 ng kanilang mga dating kasamahan sa nasabing lugar nang mapagkamalan siyang espiya ng militar dahil sa dami ng kanilang mga kasamahan na nagsisuko sa military.

NEW PEOPLE’S ARMY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with