^

Probinsiya

Ex-teen actress, 30 pa huli sa drug ops

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Ex-teen actress, 30 pa huli sa drug ops
Nadakma ng Bacoor City Police ang dating teen actress na si Angela Garcia Bobis kasama ang live-in partner nito na Vladimir Bersana (kaliwa) at kabilang sila sa 31 drug personalities na iniharap sa media kahapon nina Bacoor Mayor Lani Mercado (kanan), P/Supt. Vicente Cabatingan at Cavite Provincial Director Sr. Supt. William Segun matapos mahulihan ang mga suspek ng nasa halos P3 milyong halaga ng shabu, marijuana, mga baril at drug paraphernalias sa dalawang araw na anti- illegal drugs operation sa lungsod.
Cristina Go-Timbang

CAVITE  , Philippines  —  Nalambat ang may 31 drug suspect kabilang ang isang umano’y dating teen actress ng Star Circle Search Batch 5 at kanyang umano’y live-in partner sa isinagawang dalawang araw na drug operation ng Bacoor City Police sa lungsod.

Iprinisinta kahapon sa mga mamamahayag nina Cavite Provincial Director Sr. Supt. William Segun, Bacoor City Mayor Lanie Mercado Revilla at Bacoor Chief of Police Supt. Vicente Cabatingan ang mga naarestong suspek kabilang ang dating artista na si Angela Garcia Bobis alyas “Angela Zamora” na kasama sa Star Circle Search Batch 5.

Iniharap din ng mga opisyal ang mga droga at baril na nasamsam sa mga operasyon.

Sa ulat, kasama sina Bobis, live-in partner niya na si Vladimir Bersana at kanilang umano’y mga kasab­wat na sina Jovencio Isler, Christian Lawrence Macanlalay at Loro Lopez sa mga naaresto sa isa sa mga buy-bust operation sa Bacoor City nitong Lunes.

Sinabi ni Cabatingan na unang nadakip si Bersana at itinuro naman nito ang ka-live in na si Bobis na umano’y nagbebenta ng shabu sa inuupahan nilang bahay.

Sa isinagawang follow-up operation, natimbog ng pulisya ang dating young actress at tatlo nilang kasamahan at nasamsaman ng P68,000 halaga ng shabu na nasa 10.08 gramo.

Sa isinagawa pang hiwalay at serye ng ope­rasyon, nadakma naman ang iba pang mga suspek.

Ayon sa pulisya, kasama ang high value target (HVT) ng Bacoor Police sa 31 personalities na nakumpsikahan ng may 52 sachets ng shabu at 4 na zip-lock sachets ng marijuana na aabot lahat sa halagang  P2,914,276.00 at mga drug paraphernalias.  Nakakuha rin ng isang kalibre 45 at isang 9mm sa operasyon.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with