P1.5-M shabu nasamsam

PAMPANGA  , Philippines  —  Kalaboso ang isang 39-anyos na lalaki matapos masamsaman ng P1.5 milyong halaga ng shabu sa anti-llegal drug operation ng pulisya sa Megadike Road, Bacolor sa lalawigan noong Biyernes ng gabi.

Kinilala ng Bacolor Police ang suspek na si Michael Cunanan alias “Mike”, 39, jeepney driver, residente ng San Miguel, San Fernando City at itinuturing na “priority target” ng anim na munisipalidad sa lalawigan. Nasamsam buhat sa suspek ang 6 plastic sachet ng shabu na tinatayang nasa P1.5-M ang halaga, isang cal. 38 revolver, isang unit ng Mitsubishi Montero, assorted drug paraphernalia at marked money.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kakaharapin ng nasabing suspek.

Show comments