Kawani kinatay ng samurai

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang isang utility worker ng Provincial Capitol ng South Cotabato matapos na pagtatagain ng kapwa utility worker gamit ang samurai na naganap sa loob mismo ng nasabing Kapitolyo sa Koronadal City kamakalawa ng umaga.

Binawian ng buhay habang ginagamot ang biktima na si Ronilo Lumawag, 43, ng Brgy. Morales, ng lungsod habang ang suspek na si Rick Villa, 59, ng Bario 3, Koronadal ay naaresto ng mga rumespondeng pulis. Sa ulat kay Police Captain JS Pedrosa, deputy chief of police ng Koronadal City Police, nangyari ang insidente sa Treasurer’s Office Building sa loob mismo ng Kapitolyo alas-6:00 ng umaga.

Nauna rito, nagtalo pa umano sina Villa at Lumawag na nauwi sa pananaga ng suspek sa biktima gamit ang samurai. May matagal na umanong alitan ang dalawa na humantong sa malagim na krimen.

Show comments