^

Probinsiya

Mister lunod sa floating cottage

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Nabalot ng trahedya ang isang family reunion nang malunod ang isa nitong lasing na miyembro matapos sumisid sa dagat sa gitna ng selebrasyon sa isang beach resort sa Brgy. Nagtupacan, Pamplona, lalawigang ito, kamakalawa. Sa report ni P/Master Sgt. Tomas Baggay, dakong ala-1:00 ng hapon, nagpasyang tumalon mula sa inupahan ng pamilya na floating cottage si William Dalire, 52, upang maibsan ang init ng katawan dulot ng kanilang paglalaklakan habang pinanonood siya ng ilang miyembro ng pamilya.  Gayunman, naalarma ang mga kaanak ni Dalire nang mabigo na siyang lumutang dahilan upang sisirin at hanapin siya ng mga kawani ng resort.

Sinubukang iusad ng mga kawani ang floating cottage at dito biglang lumutang si Dalire. Sinikap pang isugod ang biktima sa pagamutan subalit idineklarang patay ng mga manggagamot.

vuukle comment

COTTAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with