Sa ulat ng pulisya, nag-overtake si Kyle Lawrence Balisi sa isa pang sasakyan subalit nahagip nito ang “slow down” signage sa tapat ng Manaring Elementary School at nawalan ng kontrol saka niya tinumbok ang kasalubong na trak dakong ala-1:30 ng hapon.
File Photo
Motor vs truck: Rider todas
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Patay ang isang 18-anyos na rider matapos sumalpok sa kasalubong na cargo truck ang minamaneho nitong motorsiklo naganap sa tapat ng isang paaralan sa Brgy. Manaring, Ilagan City, Isabela noong Miyerkules.

Sa ulat ng pulisya, nag-overtake si Kyle Lawrence Balisi sa isa pang sasakyan subalit nahagip nito ang “slow down” signage sa tapat ng Manaring Elementary School at nawalan ng kontrol saka niya tinumbok ang kasalubong na trak dakong ala-1:30 ng hapon.

Ayon sa report, pumailalim sa trak si Balisi at ang motorsiklo kaya’t nahirapan ang mga sumaklolo na hugutin siya bago naisugod sa Gov. Faustino Dy Sr. Memorial kung saan siya idineklarang patay.

Sumuko naman sa mga pulis ang drayber ng trak na si Charlie Clavero, 44, matapos ang sakuna.

TUGUEGARAO CITY CAGAYAN CRIME SCENE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with