Mister grinipuhan sa bertdeyan
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 21, 2019 - 12:00am

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Nasawi ang isang 41-anyos na mister matapos pagtulungang bugbugin ng tatlo nitong kainuman at pagsasaksakin pa ng isa sa mga ito makaraang mauwi sa pagtatalo ang kanilang inuman sa isang birthday party sa Purok 1, Brgy. Lam­payan, Matalam, North Cotabato, hapon nitong Miyerkules.

Ang nasawing biktima ay si Arthuro Sabado, may asawa, at residente sa nabanggit na lugar.

Tinutugis namang ang tumakas na suspek na sumaksak umano sa biktima na si Felimon Cabilugan, 51, isa ring magsasaka; habang naaresto naman ang anak nito na si Marvin Cabilugan, 27, at John Clair Asagra, 25; tinuturong tumulong na bugbugin ang biktima bago pagsasaksakin ni Felimon.

Sa ulat ng Matalam PNP, dakong alas-4:00 ng hapon, habang nakipag-inuman ang biktima kasama ang mga suspek sa isang birthday party ay bigla silang nagkaroon ng matinding pagtatalo kung saan pinagtulungan ng tatlo ang  biktima.

Dito na sinaksak ng amang si Cabilugan ang biktimang si Sabado gamit ang isang kutsilyo at nata­maan sa kaliwang tiyan na nagresulta sa agaran nitong pagkamatay.

MATALAM NORTH COTABATO CRIME
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with