^

Probinsiya

Pakistani na ‘suicide bomber’ timbog

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon
Pakistani na �suicide bomber� timbog
Ayon sa ulat ng BI, kinilala ang dayuhan na si Waqar Ahmad, 36-anyos at umano’y miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.

MANILA, Philippines — Arestado ang isang Pakistani national na pinaniniwalaang “suicide bomber” ng teroristang grupo sa ikinasang pagmamanman ng Bureau of Immigration (BI) sa Zamboanga City, nitong Martes.

Ayon sa ulat ng  BI, kinilala ang dayuhan na si Waqar Ahmad, 36-anyos at umano’y miyembro ng Dawlah Islamiya terrorist group.

Napag-alaman na ang suspek ay nakatakda umanong makipagkita sa lider ng Abu Sayyaf upang paghandaan ang planong pagpapasabog na gagawin sana sa Basilan.

Wala rin umanong employment permit ang dayuhan matapos mapag-alaman na kasalukuyan siyang nagtatrabaho bilang empleyado sa appliance center na pag-aari ng kanyang tiyuhin.

Inaasahan namang ide-deport ng BI ang hinihinalang terorista na ngayon ay inilagay na rin sa immigration blacklist. 

vuukle comment

BUREAU OF IMMIGRATION

SUICIDE BOMBER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with