Mall employee pisak sa trak

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  —  Pisak ang isang 30-anyos na empleyado ng isang kilalang mall dito matapos gulungan ng cargo truck nang dumausdos sa highway ang kanyang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Namambalan Sur ng lungsod na ito kamakalawa.

Sa report, mabilis na tinatahak ni Eufricino Baui ang highway papasok sa trabaho nang mabangga nito ang isang slow down sign sa tapat ng Namambalan Elementary School saka siya tumilapon sa kabilang linya ng kalsada dakong alas-8:40 ng umaga.

Humandusay si Baui saka siya dinaanan ng likurang gulong ng trak na tuluy-tuloy lamang na tumakbong palayo sa lugar habang nagsisigawan ang mga batang nakakita sa malagim na sinapit ng biktima na namatay noon din.

Show comments