72-anyos, 3 pa tiklo sa P.2-M shabu

Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas City Police ang lolong suspek na si Godofredo Manalo alyas Fred, 72-anyos, residente ng Brgy. Victoria Reyes, at mga kasamahan na sina Wilfred Candano alyas Butchocoy, 29-anyos; JoselitoTeodoro, 23, ng Blk 11 Lt 19 Hills View Royal, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite at Erick Eslabon, 27, ng Brgy, Poblacion 2, Ternate, Cavite.

CAVITE  , Philippines  —  Arestado ang isang 72-anyos na lolo kasama ang kanyang tatlong alagad matapos masamsaman ng P.2 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng Dasmariñas City Police sa Brgy. Victoria Reyes, ng lungsod  kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Police Supt. Nerwin Ricohermoso, hepe ng Dasmariñas City Police ang lolong suspek na si  Godofredo Manalo alyas Fred, 72-anyos,  residente ng  Brgy. Victoria Reyes, at mga kasamahan na sina Wilfred Candano alyas Butchocoy, 29-anyos; JoselitoTeodoro, 23, ng  Blk 11 Lt 19 Hills View Royal, Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite at Erick Eslabon, 27, ng  Brgy, Poblacion 2, Ternate, Cavite.

Ayon kay Col. Ricohermoso, isang buy-bust operation ang kanilang ikinasa laban sa matandang suspek matapos ang ilang tip na kanilang natanggap hinggil sa pagiging  bigtime tulak ng lolo. Ang apat na suspek mismo ang humarap sa buybust at nakipagtransact sa tumayong buyer na isang pulis.

Nang magpositibo ang abutan, dito na dinakma ang mga suspek na hindi na mga nakapalag.

Nakuhanan sila ng mahigit kumulang sa 30 gramo ng shabu na aabot sa P200,000.

Show comments