3 inararo ng trak: Misis lasog

LEGAZPI CITY, Albay  , Philippines  —  Nalasog ang katawan ng isang ginang habang sugatan ang dalawang paslit matapos araruin ng rumaragasang truck na pag-aari ng munisipyo at minamaneho ng lasing na driver sa national highway ng Sitio Bongsaran, Brgy. Rizal, Gubat, Sorsogon noong Sabado ng hapon. Dead-on-the-spot dahil sa tindi ng mga tinamong sugat sa katawan ang biktimang si Alma Estrada, nasa hustong gulang, habang kapwa inoobserbahan sa Gubat District Hospital ang dalawang paslit na sina John Denver Estadilla,3-anyos at John Rick Abitan, 4-anyos, pawang ng nasabing barangay.

Hawak na ng mga pulis ang driver ng truck na si Solomon Entac Andal, 43-anyos, utility employee ng Barcelona-LGU at residente ng Brgy.Poblacion Sur, Barcelona. Sa ulat, sobrang bilis ang takbo ng Isuzu dropside truck na pag-aari ng munisipyo ng Barcelona at minamaneho ng lasing na si Andal dakong alas-4:25 ng hapon.

Gayunman, pagdating sa palikong bahagi ng kalsada ay hindi na nito nakontrol ang manibela dahilan para banggain nito ang tatlong biktima na nasa harap ng isang bahay sa tabi ng kalsada.

Show comments