Kinilala ng pulisya ang suspek na si Zandro Onate, nasa hustong gulang, residente ng Bella Vista Subdivision Brgy. Santiago ng lungsod na ito, dati ng nakulong sa kasong robbery at nasa drug watchlist din ng pulisya.
P1.7-M shabu samsam sa big-time pusher
Cristina Go-Timbang (Pilipino Star Ngayon) - May 25, 2019 - 12:00am

CAVITE  , Philippines  —  Nasa mahi­git kumulang na P1.7 mil­yong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang umano’y big-time na tulak sa buy-bust ope­ration ng Gen. Trias Police sa loob ng isang subdivision sa mismong unit ng biktima kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Zandro Onate, nasa hustong gulang, residente ng Bella Vista Subdivision Brgy. Santiago ng lungsod na ito, dati ng nakulong sa kasong robbery at nasa drug watchlist din ng pulisya.

Sa panayam kay Police Col. Paul Bometivo, ilang araw nilang isinailalim sa surveilance ang suspek matapos na makatanggap ng ilang tip hinggil sa talamak at bulto-bulto umanong pagbebenta nito ng droga sa mismong unit niya sa loob ng subdibisyon.

Agad ikinasa ang ope­rasyon ng alas-11:30 ng gabi at isang tauhan nito ang tumayong scorer at nakipag-deal sa suspek. Sa loob din ng unit ng suspek isinagawa ang bilihan at nang magpositibo ang abutan, dito na agad lumusob ang nakapaligid na pulisya at dinakma ang suspek at makumpiska rito ang nasa 250 gramo ng shabu na tinatayang P1.7 milyon ang halaga at drug money.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with