Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Edgar Majencar Jr., 26, isang call center agent at Edward Majencar, 25, pawang residente ng nasabing barangay.
Boy Santos
Mag-utol tiklo sa P4-M shabu
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - May 24, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Sa selda ang bagsak ng isang magkapatid matapos masakote sa isang buy-bust operation ng mga otoridad at makumpiskahan ng isang malaking sachet ng shabu na nagkakaha­laga ng mahigit P4-milyon sa Zone-4, Brgy. Tabuco sa Naga City, Camarines Sur kahapon ng umaga.

Nahaharap na ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Edgar Majencar Jr., 26, isang call center agent at Edward Majencar, 25, pawang residente ng nasabing barangay. 

Sa ulat ni Police Major Ma.Luisa Calubaquib, taga­pagsalita ng Camp Gen.Simeon Ola, matapos ang ilang araw na pagmamanman, dakong alas-10:30 ng umaga ay inilatag ng mga operatiba sa pangu­nguna ni Lt. Col. Errol Gar­hitorena ang buy-bust ope­ration laban sa magkapatid sa loob mismo ng kanilang bahay.

Matapos magkaabutan ng droga at pera ang mga suspek at ang pulis na tumayong buyer ay dito na agad inaresto ang dalawa kung saan nakuha mula sa kanila ang isang mala­king sachet ng shabu na may kabuuang halaga na P4,080,000.

DRUG BUY-BUST OPERATION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with