Ang rape suspect na si Joel Laraño Pesquera matapos patayin ng di kilalang salarin.
Rhoderick Beñez
Gumahasa ng anak, tinodas
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Patay ang isang tricycle drayber na sinasabing suspek sa paggahasa sa sarili nitong anak makaraang pabulagtain ng ‘di pa nakilalang gunman sa krimeng naganap sa bahagi ng Sinsuat St., Kidapawan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Joel Laraño Pesquera, 44, pansamantalang nakatira sa Purok Guava, Poblacion ng lungsod at tubong General  Santos City.

Ayon sa report, minamaneho ng biktima ang kanyang nirentahang pampasaherong tricycle ngunit pagdating nito sa nasabing lugar ay bigla na lang itong binaril ng hindi pa kilalang mga suspek na sakay ng motorsiklo alas-6:55 ng gabi.

Nakatakbo pa ng ilang metro ang tricycle ng biktima bago huminto malapit sa isang kainan at dito na binawian ng buhay. Sa panayam kay Police Lt Col. Maria Joyce Birrey, hepe ng Kidapawan City Police, may kinakaharap na kasong rape ang biktima matapos gahsain ang kanyang sariling anak na babae.

CRIME RAPIST
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with