^

Probinsiya

Kolektor sa palengke, itinumba

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

STA. MARIA, Bulacan , Philippines  —  Nasawi noon din ang isang 40-anyos na lalaki na tagakolekta ng bayad sa renta sa palengke ng nasabing bayan nang pagbabarilin ng ‘di pa natutukoy na suspek, ayon sa ulat. 

Sa report ng pulisya, sakay ng motorsiklo at papunta ng palengke bandang alas-3:00 ng hapon noong Huwebes si Ronaldo Del Rosario nang paputukan siya sa ulo ng ‘di pa kilalang salarin.

Kuwento ng asawa nito na walang kaaway ang biktima dahil mabait ito at maraming kaibigan sa bayan.

Posible umanong may kinalaman sa pagkamatay ni Del Rosario ang sideline nito bilang guarantor at nanini­ngil ng pautang.

Nakikipagtulungan naman na ang barangay sa pulisya para makuha ang mga CCTV footage sa lugar na maaaring nakahagip sa tumakas na gunman.

vuukle comment

CRIME

SHOOTING

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with