Van salpok sa puno: 21 sugatan

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Sugatan ang 21 katao matapos sumalpok sa isang puno ang isang overloaded na pampasaherong van sa highway ng Brgy. Minanga Sur, Iguig, Cagayan kamakalawa.

Sa report ng pulisya, papunta sa lungsod na ito ang sasakyang minamaneho ni Job Oro, 47, ng Brgy. Masin, Alcala nang mangyari ang sakuna dakong alas-3:30 ng hapon.

Nabatid na nahirapan ang mga sumaklolo na hugutin ang drayber at 20 nitong pasaherong nagmistulang sardinas sa lata dahil sa ma­tinding pagkakaipit sa loob ng sasakyan.

Pinaniniwalaang inantok ang tsuper ng van dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at sumalpok sa puno.

Isinugod naman ang mga biktima sa Cagayan Valley Medical Center upang malapatan ng lunas.

Show comments