^

Probinsiya

Magsasaka kinatay ng 3 magkakaanak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka kinatay ng 3 magkakaanak

SANTIAGO CITY, Isa­bela , Philippines  —  Isang magsasaka ang agad nasawi matapos magkagutay-gutay ang kanyang katawan nang tadtarin ng taga ng tatlong magkakaanak sa Baggao, Cagayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Abog Agudes, 58, residente ng Brgy. Agaman Norte, Baggao, Cagayan at mga magkakamag-anak na suspek na sina Ranie Asiong, 28, Mario Asiong, 52, at Arnolfo Asiong, 24.

Unang nakipag-inuman ang biktima kina Mario at Ranie kasama ang iba pang kabarangay sa likurang bahagi ng bahay ni Brgy. Kagawad Leonardo Asiong Jr. sa nasabing lugar dakong alas- 9:00 ng gabi kamakalawa.

Habang nag-iinuman, nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at suspek na si Ranie na nauwi sa suntukan. Matapos maawat, umuwi ang biktima at ang nakaalitan subalit ilang minuto lang ang nakalipas ay sinugod ng biktima ang nasasakupan ng tahanan ng pami­ya Asiong bitbit ang isang itak. Dahil dito, lumabas ang tatlong suspek na may bitbit na tig-iisang itak at pinagtulungang katayin ang biktima.

Agad namang sumuko sa mga rumespondeng pulis ang tatlong suspek na napag-alaman na may dating alitan sa biktima. 

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with