^

Probinsiya

Trike vs van: Misis dedo, mister 2 anak sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Trike vs van: Misis dedo,  mister 2 anak sugatan

CALAUAG, Quezon , Philippines  —  Isang 24-anyos na misis ang nasawi habang malubhang nasugatan ang kanyang mister at dalawang anak matapos sumalpok ang sinasakyan nilang tricycle sa kasalubong na Mitsubishi L300 van habang isang motorsiklo ang nadamay sa naganap na banggaan sa kahabaan ng Maharlika highway, Brgy. Binutas ng bayang ito, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Ma. Arvie Joy Robis habang patuloy namang ginagamot sa St. Peter General Hospital dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mister nito na si Remuel Noriesta, 25; at dalawang anak na sina Joliane Noriesta, 5 buwang gulang, at Rowie Noriesta, 2-anyos, pawang mga residente ng Brgy. Sabang Dos.

Batay sa imbestigas­yon, bandang alas-9:35 ng gabi ay minamaneho ni Remuel ang isang tricycle patungo sa kanilang bahay na sakay ang asawa’t mga anak.

Pagsapit sa kurbadang bahagi ng highway ay nawalan ito ng kontrol sa manibela at kumabig pakaliwa hanggang sa bumangga sa kaliwang bahagi ng Manila bound na L300 van na minamaneho ni Arnold Paulite ng Calamba City at sa sumusunod ditong Mitsukoshi motorcycle ni Richard Olarte ng Bacoor Cavite.

vuukle comment

MITSUBISHI L300 VAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with