^

Probinsiya

P3.4-M marijuana nadiskubre

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang nasa P3.4 milyung halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga otoridad sa ikinasang Operation Plan matapos na madiskubre ang malawak na pananim nito sa bulubunduking sakop ng Sitio Blabaluyong, Barangay Kimlawis, Kiblawan Davao del Sur, iniulat kahapon.

Magkakatuwang sa operasyon na “Oplan Bunot Marijuana” ang Kiblawan Police, PDEA Davao del Sur, DSPPO-Provincial Intelligence Branch, DSPPO-Provincial Drug Enforcement Unit, 2nd Davao Sur Mobile Force Company, 1104th company ng Regional Mobile Force Battalion 11, Regional Intelligence Division ng PRO-11, Alpha Company ng 39th-IB Philippine Army at kanilang inakyat ang kabundukan mula noong Biyernes Santo at narating ang lugar alas-10:30 ng umaga nitong Sabado. May lawak na limang ektarya ang nasabing taniman at nasa 17 libong puno ng marijuana ang binunot at agad ding sinunog.

 Dahil dito, pinuri ni Provincial Director ng Davao Sur Po-lice Provincial Office, Police Col. Alan B Manibog sa tagumpay ng nasabing operasiyon na sa kabila ng banta ng mga komunistang grupong New People’s Army  at ilan pang mga armadong grupo na handang ipagtanggol ang malawak na taniman at matagumpay pa rin itong nawasak ng operating team. 

vuukle comment

ILLGAL DRUGS

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with