Siklista durog sa van at bus
Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2019 - 12:00am

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Nadurog ang katawan at basag ang ulo ng isang 17-anyos na nagbibisikleta matapos magkasunod na mabangga ng van at bus sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Bonga, Bacacay, ng lalawigan kahapon ng umaga.

 Tinangka pang isugod ng mga rescuer sa Ziga Memorial District Hospital sa Tabaco City ang biktimang si Roy Fordisimo, ng Brgy. Apad, Polangui. pero idineklarang dead-on-arrival.

Parehong sumuko sa mga rumespondeng pulis ang driver ng van na si Richard Bon, 32, ng Purok-1, Brgy. San Antonio at driver ng Antonina Bus Line na si Jimmy Bermas, 49, ng Purok-1, Brgy. Mariroc; pawang sa Tabaco City. Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga habang nagbibisikleta ang biktima patungong Legazpi City nang mabangga ng van sanhi upang tumalsik at sa kamalasan ay nasalpok pa ng paparating na bus.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with