2 utas, 5 huli sa drug ops

Kinilala ang mga napatay na sina Bartolome Dela Cruz alias Bobby at Christian Dungo alias Chris; pawang nasa PDEA/BADAC drugs watchlist.

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawang pinaghihinalaang tulak ng droga ang napatay habang 26 pa ang inaresto sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan kahapon ng madaling araw.

Kinilala ang mga napatay na sina Bartolome Dela Cruz alias Bobby at Christian Dungo alias Chris; pawang  nasa PDEA/BADAC drugs watchlist.

Sa ulat ni P/Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte Police, napatay si alias “Bobby” dakong ala-1:15 ng madaling araw sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Graceville, nasabing siyudad sa shootout.

Samantala, sa report ni P/Supt. Satur Ediong, hepe ng Plaridel Police, napatay si alias “Chris” dakong alas-12:35 ng madaling araw sa NIA Road, Brgy. Banga 1st, Plaridel matapos na matunugan nito na isang police asset ang katran­saksyon sa bentahan ng droga at doon nakipagbarilan sa mga pulis.

Show comments