Sa report ng Isabela P­o-lice, kinilala ang mga nasa-wing biktima na sina Jaime infiel, 63-anyos; Mila Barbie­to, 59; Catalina Cabasi, 57; at ang tatlong ta­ong gulang na si Christine Barbieto; pa­wang residente ng Brgy. Lalauanan ng ba­yang ito.
Miguel De Guzman
Kuliglig vs van: 4 patay
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - March 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasawi ang apat na katao kabilang ang isang 3-anyos na bata habang isa ang sugatan matapos magsalpukan ang isang kuliglig at pampasaherong van sa kahabaan ng national highway sa Brgy. Liwanag, Tumauini, Isabela kahapon ng umaga.

Sa report ng Isabela P­o-lice, kinilala ang mga nasa-wing biktima na sina Jaime infiel, 63-anyos; Mila Barbie­to, 59; Catalina Cabasi, 57; at ang tatlong ta­ong gulang na si Christine Barbieto; pa­wang residente ng Brgy. Lalauanan ng ba­yang ito.

Ang mga biktima ay pawang dead-on-arrival sa Isabela Provincial Hospital sa Ilagan City sanhi ng ma-lulubhang sugat na tinamo ng mga ito sa katawan. Patuloy namang nilalapatan ng lunas ang sugatang biktima na hindi natukoy ang pagkakakilanlan.

Dakong alas-9:20 ng uma­ga nang mangyari ang malagim na insidente sa kahabaan ng nasabing highway sa Brgy. Liwanag ng bayang ito.

Ayon sa pulisya ang van ay minamaneho ni Michael Cariño, 29, ng Abulug, Cagayan na mabilis ang takbo nang aksidente nitong mahagip ang kuliglig na sinasakyan ng mga biktima.

 Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang mga biktima na minalas pang magulungan ng rumaragasang van.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang mga biktima pero nabigong mailig-tas ang buhay ng mga ito.

Nasakote naman ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya ang driver ng van na ngayon ay nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to 4 counts of homicide at physical injury. 

ISABELA ROAD ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with